Thursday, July 3, 2014

An Open Letter To Our President Noynoy,

Mahal na Pangulo,
Una po sa lahat, Magandang Araw. Ako nga po pala si Toni, nung bata pa po ako NoyNoy din po ang tawag sa akin ng mga Tita ko.
Isa po akong simpleng mamayan ng Pilipinas.. Isa po ako sa madaming Filipino na pinangakuan nyo na “Kayo ang Boss ko” ng hirangin kayong pinuno ng bansa. Idol ko din po ang kapatid nyong si Kris Aquino…
Ito pong sulat ko ay hindi para ipakita sa ibang tao kung paanong natutuwa o naiinis ako sa pamamalakad nyo sa ating bansa… Tungkol po ito sa issue na hindi mahirang-hirang si Ms. Nora Aunor o mas kilala naming Ate Guy bilang isang NATIONAL ARTIST… itutuwid ko lang po, hindi po ako Noranians… pero bilang isang Pilipino na mahilig manuod at sumuporta sa Lokal na industriya ng pelikula at telebisyon eh nasusubaybayan ko po ang kanyang buhay.
Bagamat medyo may kabataan ang aking henerasyon eh napanood ko ang “Himala” “The Flor Contemplacion Story” at madami pa niyang pelikula…
Kapag nagka-anak na ako, sasabihin ko sa aking mga magiging tsikiting na panoorin din nila ang mga pelikula ng batikang si Ate Guy., hindi po para ipaalam sa kanila na gumamit siya ng ipinagbabawal na gamot (Kung totoo man), kundi para ipakilala siya na minsan sa kasaysayan ng Pilipinas ay may isang babaeng nagpamalas ng angking galing at nakapagpasaya ng mga tao… Na minsan may isang Nora Aunor na lumaban sa kabila ng ano mang pinagdaanan niya sa buhay… Na minsan may isang Ate Guy na naging simbolo at idolo ng mga kabataan ng mga nagdaang henerasyon.
Bagamat hindi ko alam kung paano ba hinihirang ang isang National Artist.. sapat naman ang aking pagiisip para intindihin na ang kwalidad ng isang tao upang bigyan ng karapat dapat na pagkilala ay hindi kailanman dapat i-base sa kaniyang nakaraan bagkus ay kung paanong siya ay nagpakita ng aking galing at nag-ambag ng di matatawarang pagkilala sa loob at labas ng bansa.
Ang sabi ng mga tita ko dahil daw kay Nora Aunor, pakiramdam nila Pilipinang – Pilipina sila. Kayo po ba Mahal na Pangulo napanood nyo na po ba ung “Thy Womb”?
Sa tingin ko po si Ate Guy eh ay may kakaibang galing upang siya ay tularan ng mga baguhang artista… at iyon po ay “Walang Himala”.
Hindi po ba na madaming pagkilala ang natanggap ng kaniyang mga pelikula sa loob at labas ng atin bansa, bukod pa dun ang pagpapakilig ng tambalang Guy and Pip.
Nakalulungkot isipin na mas binibigyan pa ng pansin ang negatibong nakaraan ng isang indibidwal kaysa sa mga positibong bagay na napakita nito. Nakapanlulumo na malaman na sariling kababayan pa niya ang nanghusga sa kanyang pagkilala.
Mahal na Pangulo, maraming salamat po at sana ay maintindihan ninyo ang aking saloobin sampung mga umaasang mahirang si Ms. Nora Aunor bilang ating ‪#‎NationalAtist‬.
Sabi nga po pala ng tatay ko, hindi daw magandang nakikita ng mga bata ang sigarilyo… baka maling mensahe daw ang maparating sa kanila…
Your Boss,
Toni (I’m not a Noranian)

Tuesday, October 8, 2013

Visiting Bangkok’s Amazing Chatuchak Market


I recently made my first ever visit to Chatuchak Weekend Market in Bangkok. There’s no denying it’s one of the great Bangkok experiences, with thousands of stalls selling pretty much everything imaginable, plenty of amazing food options, and lots of typically bizarre Bangkokian sights. It’s a must-see experience for any visitor to Bangkok.

Following are just some photos of random things I saw in the market.













Chatuchak basically is shoppers paradise and a MUST for anyone in Bangkok who has shopping on their agenda.


HUGS,
Toni

Friday, October 4, 2013

I want freedom for gays in Russia.



Tilda Swinton risked arrest waving a rainbow flag in front of the Kremlin in violation of Russia’s new homosexual propaganda bill. And she wants everyone who can to reblog it in solidarity.

I want freedom for gays in Russia, but I want freedom for gays everywhere. I pine for the day when all are free to live and love openly.

Disclaimer: I do not own the copyright of the photo. 



HUGS, 
TONI